Friday, April 23, 2010

Naghahanap ka ba ng TRABAHO? Pumunta ka sa PESO!

Narito ang mga paraan kung paano:


Mga dapat gawin sa paghahanap ng trabaho:

1. Ihanda ang mga sumusunod bago pumunta sa Public Employment Service Office o PESO:

- school diploma/transcript of record
-resume
-certificate of employment (kung meron)
-ID picture

2. Pumunta sa pinakamalapit na PESO na matatagpuan sa munisipyo, city hall o kapitolyo ng inyong lugar. Sundin ang mga sumusunod:
-dalhin ang mga inihandang dokumento.
-magparehistro pagdating sa opisina ng PESP.
-isulat at tandaan ang mga job referrals na ibinigay ng Employment Officer.
-tiyakin na avialable pa ang job vacancy sa pamamagitan ng pagtawag sa contact number na nakasaad sa referral slip.

3. Mag-apply sa kumpanyang nakasaad sa referral slip at gawin ang mga sumusunod:

- magdamit ng desente o maayos na kasuotan.
-ipakita sa kumpanya ang referral (kung meron) at mga kailangan dokumento.
-alamin sa kumpanya kung maaring mag follow-up ng application.
-sikaping mag follow-up sa ibinigay na schedule ng kumpanya.
-hangga't wala pang trabaho, laging tumawag o magpunta sa PESO.



Mahalagang Paalala para sa mga Applicante sa local employment:

-Huwag maniwala sa mga job vacancy na ipinamamahagi sa mga lansangan o nakadikit sa mga poste at pader.
-Huwag agad maniwala sa pangako na mabibigyan kayo ng trabaho sa isang opisina, department store o sa factory pagkatapos kayong magbenta ng produkto, credit card, water purifier, insurance plan, at iba pa.
-Huwag magbayad ng registration fee, application fee o iba pang fees na sisingilin ng agency o kumpanya. Maari lamang magbayad ng placement fee sa isang lisensyadong agency ng halagang hindi lalabis sa 20 porsiento (20%) ng unang buwang sweldo, kung nag-umpisa ka na sa trabaho.
-Huwag mag apply sa recruitment agency na hindi lisensyado ng DOLE.

No comments:

Post a Comment